Photo Courtesy: fuck-yeahpickuplines
Photo Courtesy: fuck-yeahpickuplines
Photo Courtesy: mustachio-
Photo Courtesy: thecolorsofmymind
Photo Courtesy: certifiedtragedies
(Source: percevoir)
making myself visible to tumblr….
kung itatanong mo sa’kin kung gaano kita kamahal, sasabihin ko sa’yo.. tulad ng pagsasama ng lapis at papel.. na mula sa kawalan ay nakabubuo ng napakaraming kabuluhan.. “AKO ang LAPIS, AT IKAW ang PAPEL” susulatan kita ng lahat ng aking pangarap, mga kwentong masaya at nakakaiyak; guguhit din ako ng mga larawang makulay. mula doon ay nagsimula ang ating daigdig ang buhay na pagsasaluhan natin habang kaya ko pang sumulat at hanggang may espasyo pa ko sa mapag-aruga mong papel.. ngayon, at kung sakaling magsawa ka na at ayaw mo na kong makasama, h’wag kang mag-alala… dahan-dahan. buburahin ko ang mga naisulat ko sa papel.. at itutupi kita upang maging isang eroplanong papel.. sabay paliliparin sa hangin, sa ilalim ng malawak na langit. mula sa itaas makikita mo marahil ang ibang mundo.. mundong wala noong magkasama pa tayo.. kasama ng ‘yong pagiging malaya ang pagpili mo kung saan ka lalapag.. nandito lang ako.. masayang nagdarasal, na sana.. higit sa akin ang mapuntuhan mo. at kung malaglag ka sa lupa at ang inaasahan mong pupulot sa iyo ay dinadaandaanan ka lamang… doon, doon ako darating.. upang kunin ka at muling ialok ang mundong binuo ko para sa iyo.. iaayos ko at muling papantayin ang mga yupi at nakalukot mong bahagi nong eroplano ka pa.. ibabalik ko ikaw bilang isang papel… at ako pa rin ang LAPIS… na walang sawang susulat sa’yo at magiging kasama mo habangbuhay… kapag nagawa ko lahat ang mga ito… saka mo sa akin itanong… kung gaano kita kamahal.